Thursday, February 25, 2010

Malapit na ang graduation day at excited na talaga ako. Narinig ko kasi sa stuff na ako daw ang valedictorian sa amin. Naghahanda na rin kami sa aming mga gagawin sa graduation day. Maraming mga ehersisyo at mga dapat gawin. Punta ako sa Guidance Councilor dahil pinatawag daw niya ako.

Pagkatapos ng ilang linggo, Graduation day na sa aming paaralan. Dumating din sina papa at mama. Masaya ako kasi nandito rin ang mga kaibigan ko sa probinsiya. Parang reunion ang mangyayari sa akin sa araw na ito.

Pagkatapos ng Graduation day, Pumunta kami sa bahay ni tita kasi may handaan doon. Graduate na rin kasi si Mitch kaya malaki ang handaan. Nandoon din ang daddy ni Mitch kaya medyo distansya na lang muna ako sa kanila ni tita.

Ilang sandali pa at natapos na rin ang handaan at kasiyahan. Umuwi na kami ni mama at papa sa bahay kahit gabi na sa daan. Kaya ko pa namang magmaniho ng kotse dahil di naman ako pagod. Dahan-dahan lang ang takbo ko habang nakasunod rin sa amin ang mga kaibigan ko sakay sa motorsiklo at jeep na inaarkila nila.

Ilang Oras pa at dumating na kami sa probinsiya at dumiritso na kami sa bahay. Napagod na rin ako kaya nauna na akung naka tulog kina papa. Nag usap pa sina papa at mama sa labas ng kwarto at natulog na ako sa sahig dahil nadoon si lolo sa kama ko natutulog.

Kinabukasan, tanghali na akung gumising. Di na ako agad tumayo at nakatinginlang sa taas. Ilang sandali pa at tumayo na ako para maghilamos. Pagdating ko sa kusina, nandoon si nanay at lolo. Nag-uusap sila. "Magandang Tanghali sa inyo ma, lo" sabi. "Oy, gising na pala ang apo ko. Ano ba ang plano mo ngayon Loy?" tanong ni Lolo sa akin. "Di ko pa alam lo. Wala pa akong plano sa ngayon. Gusto ko munag kalimutan na mag-aaral pa ako. Gusto ko kasing magpahinga muna" sabi ko. Pumunta na ako sa labas ag sumalok ng tubig sabay hilamos. Pagkatapos kung maghilamos, lumubas ako at pumunta sa kotse. Medyo madumi na kaya nag-igib ako ng tubig para linisin ito.

Ilang sandali at natapos ko rin itong paliguan. Pumasok ako sa bahay para kumain. Plano ko kasing pumuta sa bayan para bumili ng gamit. Binigyan kasi ako ni tita Des ng pera para daw makabili ako ng gusto kung gamit.

Nagpaalam na ako kina mama at papa para pumuta sa bayan. Umalis agad ako para di ako gabihin sa daan. Pagdating ko sa bayan, agad akung namili ng bagong damit, pantalon at sapatos.
Pauwi na ako sa bahay ng biglang may pulis na nagpatigil sa akin. Agad akung tinutukan ng baril at pinababa sa sasakyan. Biglang piniringan ang mata ko at pinalakad. Sumunod na lang ako sa gusto nila. Ilang Oras ang nilakad namin at di ko talaga alam kung saan na ako papunta. Isang Oras pa ang lumipas at tumigil na kami. Pinaupo nila ako. Ilang sandali pa at nakatulog ako. Di ko na namalayan na umaga na pala at tinangal na ang tali sa kamay ko. agad kung kinuha ang pring sa mga mata ko at di ko lubos maisip na nandito ako sa isang lugar na di ko pa alam kung saang dako ng mundo. Nadito ako ngayon sa gitna ng kagubatan. Medyo malaki ang naturang gubat at di ko pa ito napuntahan. Alam kung malayo ito sa kabihasnan at alam ko rin mahihirapan talaga ako sa pag uwi sa amin. Di ko kasi kabisado ang gubat kaya, umupo na lang ako muna at nag-isip kung ano ang gagawin ko.

3 Comments:

  1. Unknown said...
    author, napakaganda ng kwento mo, sana maituloy mo pa. Napakarami mong napasaya
    Anonymous said...
    buhay pa ba yong may akda nitong kwentong ito?????
    r3k0mz said...
    buhay pa po... ako po ang may akda ng kwento

Post a Comment